Author: Offices of the Sectoral Regents Secretariat UP System

  • Pahayag ng UP Office of the Sectoral Regents sa ika-4 na State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr.

    Pahayag ng UP Office of the Sectoral Regents sa ika-4 na State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr.

    Tiyak, larawan ng “pag-unlad” ang muling ipipinta ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pang-apat State of the Nation Address (SONA). Pero batid natin ang katotohanan: lalong nalulugmok sa matinding krisis sa ekonomiya, edukasyon, kalikasan, at karapatang pantao ang mga mamamayan.

    Maaaring ipagmamalaki niya ang diumano’y tagumpay sa negosasyon kay US Pres. Donald Trump: kkapiranggot na isang percentage point na pagbaba ng taripa kapalit ang mas maluwag na pagpasok ng mga produktong US sa bansa. Habang pinalalakas ang dayuhang kontrol sa ating ekonomiya, patuloy naman ang pagdurusa ng mga Pilipino sa pagtaas ng presyo ng bilihin at nananatiling di sapat ang kakarampot na dagdag-sahod, lalo pa’t laganap ang job insecurity.

    Sa halip na tugunan ang mga ugat ng kahirapan at kawalang-katarungan, patuloy ding binabawasan ang pondo para sa edukasyon at mga serbisyong panlipunan. At dahil hindi nito matugunan ang pangangailangan ng sambayanan, pinatitindi lang ni Marcos Jr. ang panunupil sa mga kritikal na tinig. Sa mga akademikong espasyo tulad ng UP, tumitindi ang mga atake sa akademikong kalayaan, pumapasok ang mga militar at pinagbabantaan ang mga guro, estudyante, at mananaliksik na lumalaban para sa kanilang mga karapatan.

    Samantala, sa kabila ng mga postura ng pagpapanagot sa nakaraang tiwaling administrasyong Duterte, lumalabas na wala itong masyadong interes o tulak na makamit ng bayan ang hustisya. Habang positibo ang pagkakasakdal kay dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, binigo naman tayo ng Korte Suprema sa pagbabasura ng impeachment kay VP Sara Duterte. Sa desisyon nito, ipinagkait ng kataas-taasang korte ang pagkakataong mapanagot ang mga Duterte sa mga alegasyong paglustay sa pondo ng bayan. Ipinakikita nito ang kawalan ng hustisya sa bansa.

    Binibigo din tayo ng administrasyong Marcos Jr. sa pagharap sa krisis sa klima. Malinaw ito sa lantad na kawalan ng paghahanda ng gobyerno sa harap ng inaasahan nang matinding pagbaha sa Kamaynilaan na nagdulot ng pagkawala ng kabuhayan, bahay, at buhay ng maraming Pilipino.

    Sa harap ng lahat ng ito, nananawagan tayo sa komunidad ng UP at mga mamamayang Pilipino na tumindig para ihayag ang tunay na SONA, at igiit ang ating mga karapatan at kinabukasan sa harap ng kainutilan ng kasalukuyang mga nasa kapangyarihan.

    Partikular sa akademikong sektor, nananawagan tayong doblehin ang badyet ng edukasyon. Kailangang itaas na ang sahod ng mga guro’t kawani, kabilang ang pagtakda ng PhP36,000 na sahod para sa Salary Grade 1. Hiling din nating itaas ang Instructor 1 sa Salary Grade 16, at bigyan ang Teacher 1 ng minimum na PhP50,000 buwanang sahod.

    Hindi rin natin binibitiwan ang panawagan para sa de-kalidad at higit na aksesibleng mga pasilidad at serbisyo, gayundin ang pagpapabilis ng pag-apruba ng plantilla items at pagtigil ng kontraktwalisasyon sa ating mga kawani’t kaguruan.

    Ipaglalaban natin iyan dahil iyan ang nararapat at makatarungan.

    Presyo ibaba! Sahod itaas!

    Itigil ang red-tagging at paglabag ng karapatan at akademikong kalayaan!

    Marcos singilin! Duterte panagutin!

    Francesca Mariae M. Duran
    Student Regent

    Early Sol A. Gadong
    Faculty Regent

    Marie Theresa S. Alambra
    Staff Regent

    28 Hulyo 2025

  • Nagkakaisang panawagan ng UP Sectoral Regents sa Araw ng Kasarinlan sa Pilipinas

    Ngayong ginugunita natin ang ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, inaalala natin hindi lang ang kasaysayan ng paglaban sa dayuhang pananakop, kundi pati ang nagpapatuloy na tungkulin ng bawat mamamayan at institusyon na ipaglaban ang mabuting pamamahala at pananagutan sa ating gobyerno.

    Bilang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), at bilang mga mamamayang naninindigan para sa isang tapat at makatarungang pamahalaan, mariin naming ipinapanawagan sa Senado ng Pilipinas na gampanan ang konstitusyonal nitong tungkulin bilang Impeachment Court kaugnay ng reklamong impeachment laban kay Pangalawang Pangulong Sara Duterte.
     
     
    Imoral, labag sa Saligang Batas, at di katanggap-tanggap ang naging hakbang ng Senado na ibalik sa Kamara ang reklamong impeachment. Obligasyon ng Senado na tipunin ang sarili bilang Impeachment Court at simulan ang paglilitis sa kaso, isang obligasyong nakaugat sa sistemang demokratiko at hindi maaaring talikuran.
     
     
    Hindi sapat ang pananahimik sa harap ng seryosong mga paratang ng katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan, lalo na ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education. Ang ganitong klase ng pondo, na hindi dumaraan sa sapat na pagsusuri o oversight, ay matagal nang bulnerable sa abuso. Sa kaso ni Vice President Duterte, malinaw na may sapat na batayan para ituloy ang impeachment proceedings.
     
     
    Ang proseso ng impeachment ay isang mahalagang mekanismo ng checks and balances na itinatadhana ng Saligang Batas. Banta sa sistemang demokratiko ang anumang pagtatangkang iwasan, atrasan, o antalahin ang tungkuling ito ng Senado.
     
     
    Sa diwa ng Araw ng Kalayaan, hinihimok namin ang taumbayan na maging mapagbantay. Ang bawat sentimo ng kaban ng bayan ay nararapat lang na gamitin para sa kapakinabangan ng nakararami, hindi para sa kapangyarihan at kapritso ng iilan. Huwag nating hayaang makaiwas sa pananagutan ang mga lider na lumalabag sa tiwala ng taumbayan.
     
     

    Panagutin ang dapat panagutin! Ituloy ang impeachment proceedings!

     
     
    Francesca Mariae M. Duran

    UP Office of the Student Regent

    Early Sol A. Gadong

    Opisina ng Faculty Regent

    Marie Theresa G.S. Alambra
    Office of the Staff Regent
  • FR Gadong: Gender-responsive urban mobility must be inclusive, care-centered

     
    Nagsilbing tagapagsalita si Faculty Regent Early Sol A. Gadong sa nakalipas na Cycling Cities Conference na ginanap sa Lungsod ng Iloilo, noong ika-2 ng Hunyo 2025. Ang conference ay bahagi ng padiriwang ng Iloilo Bike Festival at dinaluhan ng iba’t ibang kasapi ng akademya, private sector, at ahensya ng gobyerno.
     
    Sa panayam na naglalayong pahalagahan ang gender inclusivity in urban mobility, binigyang diin ni FR Gadong na hindi lamang behavioral issues ang dapat tutukan upang malutas ang lumalalang problema ng urban mobility. Ayon sa kanyang pananaliksik ay karamihan sa mga kalsada ng Pilipinas ay dinisenyo para sa “solo, able-bodied, male commuter.” Dahil dito, naisasantabi ang mga pangangailangan ng mga kababaihan, matatanda, queer people, iyong may mga mobility issues, at ang mga bumibyahe na may kasamang bata o mabibigat na dala.
     
    Iminungkahi ni FR Gadong na dapat mas maging inclusive at participatory ang pagpaplano, mas maging konektado, mailaw, at malawak ang mga sidewalk at bike lanes, at lalo pang palawakin at palalimin ang pagtuturo tungkol sa road hierarchy na nagsasabing, “Those who have more power on the road have more responsibilities.” Ibig sabihin ay mas dapat nabibigyang prayoridad sa kalsada ang mga pedestrian, bike user, at iba pang bulnerableng sektor.
     
    Bago pa man naging UP Faculty Regent ay aktibo si FR Gadong sa mga usapin ng active mobility at road safety. Naging editor siya ng Ilongga Bicycle Diaries, antolohiya ng mga sanaysay ng 19 babaeng siklista sa Iloilo. Isa rin siya sa mga masugid na tagapagtaguyod ng mga women’s bike rides sa lungsod.
     
    Kabilang sa mga tagapagsalita ang mga kinatawan ng Move as One Coalition, PhilCycling, Department of Economy, Planning, and Development (DepDev), LGU ng Quezon City, Pasig City at Iloilo City, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at GOBility Netherlands.
     
    Ang Iloilo Bike Festival ay sponsored ng Iloilo City Government at magtatagal hanggang ika-15 ng Hunyo 2025.
     
  • Faculty Regent Gadong: Gender-responsive urban mobility must be inclusive, care-centered

    Faculty Regent Gadong: Gender-responsive urban mobility must be inclusive, care-centered

    FR Gadong gives a message during the Cycling Cities Conference in Iloilo City on June 2, 2025. (Photo: Iloilo City Government)
    Nagsilbing tagapagsalita si Faculty Regent Early Sol A. Gadong sa nakalipas na Cycling Cities Conference na ginanap sa Lungsod ng Iloilo, noong ika-2 ng Hunyo 2025. Ang conference ay bahagi ng padiriwang ng Iloilo Bike Festival at dinaluhan ng iba’t ibang kasapi ng akademya, private sector, at ahensya ng gobyerno.
    Sa panayam na naglalayong pahalagahan ang gender inclusivity in urban mobility, binigyang diin ni FR Gadong na hindi lamang behavioral issues ang dapat tutukan upang malutas ang lumalalang problema ng urban mobility. Ayon sa kanyang pananaliksik ay karamihan sa mga kalsada ng Pilipinas ay dinisenyo para sa “solo, able-bodied, male commuter.” Dahil dito, naisasantabi ang mga pangangailangan ng mga kababaihan, matatanda, queer people, iyong may mga mobility issues, at ang mga bumibyahe na may kasamang bata o mabibigat na dala.
    Iminungkahi ni FR Gadong na dapat mas maging inclusive at participatory ang pagpaplano, mas maging konektado, mailaw, at malawak ang mga sidewalk at bike lanes, at lalo pang palawakin at palalimin ang pagtuturo tungkol sa road hierarchy na nagsasabing, “Those who have more power on the road have more responsibilities.” Ibig sabihin ay mas dapat nabibigyang prayoridad sa kalsada ang mga pedestrian, bike user, at iba pang bulnerableng sektor.
    Bago pa man naging UP Faculty Regent ay aktibo si FR Gadong sa mga usapin ng active mobility at road safety. Naging editor siya ng Ilongga Bicycle Diaries, antolohiya ng mga sanaysay ng 19 babaeng siklista sa Iloilo. Isa rin siya sa mga masugid na tagapagtaguyod ng mga women’s bike rides sa lungsod.
    Kabilang sa mga tagapagsalita ang mga kinatawan ng Move as One Coalition, PhilCycling, Department of Economy, Planning, and Development (DepDev), LGU ng Quezon City, Pasig City at Iloilo City, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at GOBility Netherlands.
    Ang Iloilo Bike Festival ay sponsored ng Iloilo City Government at magtatagal hanggang ika-15 ng Hunyo 2025.
  • Mula sa Mensahe ni Faculty Regent Gadong sa 2025 UP Manila Faculty Conference

    Mula sa Mensahe ni Faculty Regent Gadong sa 2025 UP Manila Faculty Conference

    Kaya naman ligtas ang pakiramdam ko kung nasa loob ako ng UP Manila. I feel the safest, hindi lang dahil literal na kanlungan ang campus mula sa ingay, usok, at fun run pace sa mga kalye ng Taft, Pedro Gil, at Padre Faura, kundi dahil UP Manila is also at the forefront of accessible leadership and democratic governance, with faculty councils who always lead the nation in releasing timely statements with the sharpest critiques of the current issues. A very recent example is the decision of your University Council to refer the UP Core Curriculum to the departments for further discussion.
    Malamang ay napag-usapan na rin ninyo kung paanong ang isa sa mahahalagang feature ng UP Core Curriculum ay ang pagbabawas ng kukuning GE courses ng ating mga estudyante. It is crucial to be critical about this because for the past few years, we have been revising our curricular offerings under the assumption that many of our courses will be redundant of what are being offered in the Senior High School program.
    Ang hindi po napag-uusapan ay sa darating na June, magsisimula na po ang pasukan sa mga eskwelahan ng DepEd. At ngayong pasukan na rin ipa-pilot ng DepEd ang pagbabawas din ng core courses sa Senior High. Ang original 15 core courses ay gagawin na lamang lima, at ang iba dito ay gagawin na lamang elective. Kagaya ng mga taong nagmo-malling sa Robinsons, tila nagmamadali din ang ating educational system para mauna, para maungusan ang lahat, para maging pinakamabilis. Hindi naman po ito problema talaga, kung hindi natin iisipin na sa ating pagmamadali ay may kailangan tayong sitsitan, banggain, o itulak. Hindi rin problema ang pagmamadali, kung hindi tayo matitisod o masubsob at masaktan.
    …
    Sa mundong kung saan lahat ay nagmamadaling makapunta sa kanilang paroroonan, dapat ay huwag din nating kaligtaan na gaya ng sinasabi ng awitin sa simbahan, tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.
    Let us be faculty members who recognize the vital role not just of fellow faculty members, but also of our REPS and admin staff, many of them are contractual, overworked, and underpaid. They continue serve so that we may also be able to serve. Let us be faculty members who recognize just how much we influence the lives of our students, who do not only remember what we taught them, but also how we taught them to learn.

    …

    Sana kagaya ko ay maramdaman din ng buong bansa ang pagkalingang ramdam na ramdam ko sa UP Manila.
    And as your representative at the highest policy making body of the university, you can rest assured na sa tulong ng inyong suporta, I will do my best to ensure na mabibigyan kayo ng karampatang pagkalinga ng pamantasang saksi sa inyong husay at dangal sa ngalan ng paglilingkod sa bayan.”
  • Pahayag ng mga Opisina ng Sectoral Regents Hinggil sa Pag-aresto kay Dating Pangulong Duterte

    Pahayag ng mga Opisina ng Sectoral Regents Hinggil sa Pag-aresto kay Dating Pangulong Duterte

    Inaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte alas-9:20 ng umaga ng Marso 11, 2025, pagdating niya sa Maynila galing sa Hong Kong. Pormal nang isinampa ng Philippine Prosecutor General ang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) para sa mga kasong krimen laban sa sangkatauhan (crimes against humanity), na natanggap ng INTERPOL Manila kaninang umaga. Sa ngayon, nasa kustodiya siya ng PNP at iniulat na nasa maayos na kalusugan.

    Ang kaso laban kay Duterte ay batay sa kanyang pananagutan sa madugong giyera kontra droga mula 2016 hanggang 2022. Humantong ito sa libu-libong ekstrahudisyal na pamamaslang, at direktang resulta ng kanyang tuwirang utos at kabiguang panagutin ang mga salarin sa pamamaslang. Sa panahong ito ay mas lalo ding tumindi ang panunupil at brutalidad ng Estado, lalo na laban sa progresibong oposisyon.
    Sagad-sagaran din ang mga naging pag-atake sa kalayaang akademiko, at tinarget ang mga guro, propesor, estudyante at kawani na nagsalita laban sa mga katiwalian at abuso ng Estado. Sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020, naging legal ang pag-aresto nang walang mandamyento, pinalawig ang detensiyon, at pinatindi ang red-tagging sa mga aktibista, mamamahayag, at iba pang tumututol sa kanyang rehimen.
    Mahalagang hakbang ang pag-arestong ito kay Duterte para mabigyan ng hustisya ang libu-libong napaslang sa kanyang termino bilang pangulo at kung mapatunayan sa ICC na nagkasala siya’y dapat maparuhasan para hindi na matularan. Pero mahaba pa ang laban. Nananatili pa rin ang mga institusyong naging kasabwat sa kanyang mga krimen. Kakailanganin ang patuloy na pagmamatyag ng mga Pilipino, ang walang pagod na paglaban ng mga biktima at tagapagtanggol ng karapatan, at ang suporta ng pandaigdigang komunidad para matiyak ang hustisya para sa mga biktima at sa mga mamamayang Pilipino.
    Hon. Francesca Mariae M. Duran
    UP Student Regent
    Hon. Early Sol Gadong
    UP Faculty Regent
    Hon. Marie Theresa G.S. Alambra
    UP Staff Regent
  • Statement of the UP Office of the Faculty Regent on International Working Women’s Day

    Statement of the UP Office of the Faculty Regent on International Working Women’s Day

    As we celebrate International Working Women’s Day, the UP Office of the Faculty Regent stands in solidarity with all working women, both within and beyond the University of the Philippines (UP) community. We recognize the truly immense contributions of women to our society and we acknowledge the persistent challenges that they face, as systemic issues of corruption and deepening inequality continue to exacerbate these concerns.

    Today, we highlight how corruption under the Marcos Jr. administration disproportionately affects ordinary citizens, and especially working women. When public funds are misused, women are the ones who bear the brunt of its consequences, because the diversion of public resources away from essential services such as education, health care, and social protection deprives women of the support they need to sustain their families and secure livelihood. Furthermore, the misuse of taxpayers’ money, from Vice President Sara Duterte’s questionable use of confidential funds to anomalous procurement deals to institutionalized patronage, robs working women of economic opportunities and access to quality public services.

    As we demand transparency and accountability in government, we must also turn our gaze inward to the struggles within our own university community. The University of the Philippines is not exempt from policies that threaten its mandate as the national university. There are the proposed revisions to the core curriculum that undermine the critical and holistic education as well as the creeping commercialization of university spaces that further marginalizes students and employees by prioritizing profit over accessibility and inclusivity. And, of course, the are the threats to academic freedom, including intensified red-tagging and political repression within our campuses that stifle intellectual dissent and diminish the democratic character of our university.

    Within UP, women employees including faculty members, research staff, administrative personnel, and rank-and-file workers have long called for institutional reforms that uphold their welfare and well-being. Low and delayed wages, inadequate benefits, and the persistent problem of contractualization within the university workforce exacerbate gender disparities. Meanwhile, the lack of support for mental health services and institutional responses to workplace harassment continue to burden women in academia and university service. Personnel and students from the LGBTQIA+ community face similar struggles, as they still need to go the distance to have their basic rights respected.

    It is only right that we commemorate the struggles of working women, honor their strength, their labor, and their unwavering resolve to fight for a better future. We also reaffirm our commitment to the fight for a just and equitable society, and we stand with women across sectors in demanding an end to corruption and the misallocation of public funds. We call for a UP that truly serves its people—one that defends academic freedom, resists commercialization, and upholds the rights and welfare of its employees.

    End the plunder of public resources! Uphold academic freedom! Protect the rights and welfare of women workers!

    Hon. Early Sol A. Gadong
    Faculty Regent, UP System

  • Ikot Unyon x KAAYOHAN at BATAYAN sa Basic Education Faculty sa UP Visayas

    Ikot Unyon x KAAYOHAN at BATAYAN sa Basic Education Faculty sa UP Visayas

    Magkasunod na idinaos nitong Marso 12, 2025 ang bahagi ng seryeng Ikot Unyon x KAAYOHAN (Kausap, Payo, at Huntahan) at BATAYAN: Pagbabalita’t Talakayan tungo sa Kaayohan ng Basic Ed Faculty sa UP Visayas sa pangunguna ng Opisina ng Faculty Regent at ng All UP Academic Employees Union – Iloilo Chapter.
    Kasama sa mga dumalo ang mga faculty, REPS. at admin staff ng UPV at gayundin sina Chancellor Clement Camposano, VCA Farisal Bagsit, OIC VCAA Eric Rizo, Acad Union NEB VP for Faculty Rommel Rodriguez, UPHSI Principal Edelia Braga, ACT Region 6 representative Max Montero, at ang mga opisyal ng Acad Union Iloilo.
    Tinalakay sa dalawang pagtitipon ang mga isyung pang-akademiko at pang-kaayusan kabilang na ang UP Core Curriculum, Faculty Merit Promotion, pagapapalawak ng eHOPE provisions, paggamit ng certificate of service imbes na bundy clock ng mga nagbibigay ng guidance services, harmonization ng promotion at curriculum ng mga UP BEUs, union representation sa mga komite, at iba pa.
    Tunguhin ng pag-iikot na ito ni Faculty Regent Early Sol Gadong ang regular at tuloy-tuloy na pagkalap ng impormasyon hinggil sa mga kinakaharap na mga danas at suliranin ng mga guro at kawani ng pamantasan upang lalong maging epektibong kinatawan ng sektor ng kaguruan sa Lupon ng mga Rehente.